Sample Compositions for the Intermediate Grades (Filipino)

 

1.                                                          Kaligtasan sa Pagmamatyag

                    Ang mga sakuna na nakikita sa mga pahayagan ay mula sa iba't-ibang sulok ng ating kapuluan at parte ng mundo. May lindol sa _____ at malakas na pagguho ng lupa sa _____. Sa ating bansa, nagkaroon ng malakas na pagbaha sa _____ at landslide sa _____.  Sa ____, naaapektuhan ang hanapbuhay ng mga magsasaka dahil lubog sa tubig-baha ang kanilang pananim.

                    Ang ibig sabihin ng sakuna o disaster ay catastrophe o kalamidad. Ang mga halimbawa ng sakuna ay bagyo, lindol, pagguho ng lupa o landslides, pagbaha,at buhawi. May mga sakuna ring gawa ng tao, katulad ng sunog. Hindi natin alam kung kailan mangyayari ang mga sakuna. Maaari itong mangyari sa isang iglap lang. Pwedeng mabawasan ang mga pinsala dulot ng sakuna kapag handa. Sa paghahanda mababawasan ang mga mamamatay na tao. Ito ang ilan sa mga kinakailangang paghahanda. Ang dapat isaisip kung may lindol ay ang duck, cover at hold. Bunutin ang mga plug ng appliances kapag hindi ginagamit upang maiwasan ang sunog. Mahalaga rin ang isang emergency kit na may laman na gamot, flashlight, tubig, at pagkain na kailangan kung matindi ang sakunang nangyayari. May mga panganib ring dapat iwasan sa paaralan katulad ng madulas na lansangan at pagkahulog sa matataas na hagdanan. Dapat maglagay ng mga babala o warning signs para maging ligtas ang mga mag-aaral sa paaralan.

                    Sa panahon ngayon, isinasagawa ng mga paaralan ang fire at earthquake drills. Kailangan tayong magpasalamat sa mga guro sa pagturo sa mga kabataan ng mga angkop gawin. Napakahalaga ng pagiging listo para laging handa. Mababawasan nito ang pinsala dulot ng sakuna. Dapat isaisip ng bawat isa sa atin na, "Sa paghahanda, kaligtasan ang napapala".


2.                                                            Araw ng mga Bayani

                    Ang Araw ng mga Bayani ay idinadaos bawat taon sa ika-27 ng Agosto. Ang pinaparangalan natin sa araw na ito ay ang mga bayani ng nagbigay ng kalayaan at karangalan sa ating bansa. Pinaparangalan sila dahil inialay nila ang kanilang buhay sa bayan. Walang pasok sa araw na ito dahil ito ay isang holiday.

                    Ang ating Pambansang Bayani ay si Dr. Jose Rizal. Ang nagawa niya sa ating bansa ay ang paglaban sa mga Kastila gamit ang pagsulat ng dalawang aklat na El Fiibusterismo at Noli Me Tangere. Ang mga aklat na ito ay nagpahayag sa pagmamalabis ng mga mananakop na dayuhang Kastila noon. Ang mga bayani ng ating bayan ay sina Dr. Jose Rizal, Andres Bonifacio, Emilio Aguinaldo, Emilio Jacinto, Melchora Aquino, Gabriela Silang, Diego Silang,  Lapu-lapu, Apolinario Mabini at Josefa Llanes Escoda. Ang pinakadakila nating bayani ay si Dr. Jose Rizal. Siya ang pinakadakila dahil meron siyang mapagmahal na kalooban para sa ating bayan. Ini-alay niya ang kanyang buhay sa bayan ng barilin siya sa Luneta. Ang pagiging maka-Diyos, Makatao, Makabansa at Makakalikasan ay maaari ring maging mga katangian ng isang bayani sa makabagong panahon.

                    Hindi natin dapat kalimutan ang mga bayani ng nakalipas. Sila ang ating inspirasyon. Sila ay may mga katangian na dapat natin tularan katulad ng katapangan at pagmamahal sa bayan. Kung tayo'y maka-Diyos, makatao, makabansa, at makakalikasan, maaari rin tayong maging bayani sa ating mga tahanan at paaralan. Kung tayo ay mabuting mamamayan, tayo ay bayani sa maliit at simpleng pamamaraan.


3.                                       Kakayahan at Kaugalian: Sabay Matututunan

                    Ang inakalang mabuting edukasyon noong nakalipas na 50 taon ay hindi sapat ngayon upang maging tagumpay sa pag-aaral, sa hanapbuhay at pagiging mabuting mamamayan. May paniniwalang dapat ang mga paaralan ay magtuturo sa mga mag-aaral ng 21st century skills upang magtagumpay sa modernong panahon. Tutulong ang mga paaralan na magtuturo sa mga mag-aaral ng 21st century skills upang magagamit nila ito sa totoong buhay.

                    Sabi ni Franklin D. Roosevelt, "We cannot build the future for our youth, but we can build our youth for the future". Upang madala ang mga mag-aaral, mga paaralan at ang bayan sa 21st century , ay dapat matuto ng panibagong kakayahan na tinatawag na 4Cs. Ang mga ito ay Critical Thinking, Collaboration, Communication, at Creativity. Kakailanganin natin ang mga kakayahang ito upang maihanda ang sarili sa mga pagsubok sa makabagong panahon. Lahat tayo ay magtulungan at kakailanganin ang suporta ng mga magulang upang ang mga ito ay matututunan. Ang sistemang pang-edukasyon ay dapat makisabay sa mga pagbabago sa mundo gaya ng pagturo ng 21st century skills sa mga kabataan.

                    Ano ba ang character-based education? Ito ay ang pagtuturo sa mga kabataan upang magkaroon ng mabuting ugali, hindi isang bully, malusog at matagumpay na tao. Sa character-based education ay kaugalian ang dapat matututunan gaya ng lakas loob, pagmamahal sa bayan, pagiging matapat, pagiging mabuting mamamayan, respeto sa kapwa, at pakikipagtulungan. Ang character-based education ay ang pundasyon ng kaugalian na huhubog sa pagkatao ng kabataan.

                    Sa makabagong panahon mahalaga ang matuto ng kakayahan o skills at kaakibat o kasabay nito ang pagkatuto rin ng wastong pag-uugali o values. Dapat maging balanse ang pagkatuto upang mahuhubog ng maayos ang karakter ng mag-aaral. Ano ba ang mangyayari kung puro na lang teknolohiya, kagaya ng computer at cellphone, ngunit walang pagpapahalaga sa sarili at ibang tao? Ang pagkatuto ng sabay sa makabagong kakayahan o skills at mabuting kaugalian o values ay makatulong sa mga kabataan makamit ang tagumpay at magiging mabuting mamamayan ngayon at sa hinaharap.


4.                                              Ang Kapaligiran, Noon at Ngayon

                    Noon dati marami pang mga puno sa ating kagubatan at ang hangin kasing bango ng isang bulaklak. Ngayon halos wala ng mga puno sa ating kagubatan at ang hangin kasing baho na ng basura.

                    Ang air pollution levels sa ating mga malalaking siyudad gaya ng sa Metro Manila at Metro Cebu ay higit pa sa tolerable at safe levels. Maaaring magkasakit ang mga tao sa paglanghap ng ganitong uri ng hangin. Dagdag pa ang mga polusyon sa ibang bansa sa mundo. Ang iisang kalawakan ay nalalason na rin. Ang ating karagatan naman at iba pang katawang tubig ay unti-unting narurumihan. Basura at plastic ang sanhi nito na karaniwang nakikita sa maraming baybayin. Ang suliranin ng Climate Change ay ang pagkaroon ng mga matitinding kalamidad, halimbawa ay ang pagbaha at bagyo dulot ng pag-iba-iba ng temperatura. Ang suliranin sa deforestation ay, una ang pagiging tamad ng mga tao sapagkat hindi man lang kayang palitan ang kanilang mga pinutol na puno, pangalawa, kakulangan sa mga kagamitan sa pag-monitor sa mga illegal loggers.,at ang panghuli ay ang pagkawala ng PAGKAKAISA.

                    Ang ating kapaligiran ay mahalaga dahil kung wala ang kapaligiran natin, wala din tayo. Ibalik natin ang kagandahan ng nakaraan. Ibalik ang pagkakaisa upang lilitaw uli ang kapaligirang ating inaasam-asam kung saan sagana sa pangangailangan ng tao. Sa atin nakasalalay ang kahinatnan ng ating kapaligiran. Bawasan ang basura at magtanim...ngayon na!

/EAB



Comments

Popular posts from this blog

Sample Piece: Sabayang Pagbigkas (Choral Recitation) with actions, voicing guide

FYI: It is FULL-FLEDGED not FULL-PLEDGED, Correct Usage, Bisaya to English of Common Vegetables, Fishes, more bits of info

Critical Thinking: Tips to Develop Skill in Schoolkids - Fun exercises, games with Answer Keys, on analogies, word relationships, abstract reasoning, with maze, puzzles, brain teasers