Sample Demo Lesson/iPlan #5 4thQ Filipino Gr.1 with Simple Performance Task, Rubrics
Sample Demo Lesson/iPlan in Filipino
Grade 1 4th Q
Competencies: Nagagamit ang mga
salitang kilos tungkol sa iba't ibang
gawain sa tahanan, paaralan, at
pamayanan.
F1WG-IIIe-g-5
Key Understanding: Pagkilala sa
mga Salitang Kilos
Learning Objectives:
Knowledge
Natutukoy ang mga salitang nagsasaad
ng kilos sa tulong ng larawan/
sitwasyon.
Skills
Nakagagawa ng payak na pangungusap
gamit ang mga salitang kilos.
Nasasabi ang angkop na salitang kilos
sa naipakitang kilos ng mga piling
mag-aaral.
Attitudes
Natutunan ang pakikipag-ugnayan sa
mga kasapi sa pangkat.
Integration: PE - Engages in fun
and enjoyable physical activities
with coordination. PE1PF-Ia-h-2
(action songs)
Resources Needed:
video, pictures, CG, box,
metacards/flashcards
Elements of the Plan - Methodology
Preparations
Introduction
1. Mga Pagsasanay sa Pagbasa
2. Balik - aral
Presentation
Activity
1. Pagganyak: Guessing Game
Hulaan kung ano ang ginagawa ng mga
piling bata sa klase. Tatawagan ng guro
ang mga pinili niyang mga mag-aaral
na magpakita ng kilos at huhulaan
ng klase kung anong kilos ito.
2. Paglalahad: Action Song
Awitin at ikilos ng mg bata ang awiting
"Kumusta Ka".
Kumusta ka
Tayo ay magsaya
Pumalakpak. pumalakpak
Ituro ang paa.
Padyak sa kanan
Padyak sa kaliwa
Umikot ng umikot
Humanap ng iba.
Analysis
1. Pagtatanong: Nagustuhan nyo ba ang
action song? Gusto niyo ba ang
ganitong mga awitin?
2.May mga salita ba sa awit ang
nagsasaad ng kilos o galaw? Ano ang
mga ito? (pumalakpak, ituro, padyak,
umikot, humanap)
Ipakita ang mga galaw ng mga ito.
3. Ano ang tawag sa mga salitang
nagsasaad o nagpapakita ng kilos o
galaw?
Abstraction/Generalization
Ang mga salitang nagsasaad ng kilos o
galaw ay tinatawag ng mga Salitang Kilos
o Pandiwa.
Magbigay ng mga halimbawa ng salitang
kilos.
Practice
Application
1. Video: Basahin ang mga halimbawa ng
mga salitang kilos sa video.
2. Group Activity:
- Orient pupils on the Behavior Standards
during group work
Group 1 Easy - Ipagpares-pares ang
mga larawan ng mga kilos at ang
angkop na ngalan ng mga ito.
Group 2 Average - Isulat ang angkop
na salitang kilos sa patlang upang
kumpletuhin ang payak na pangungusap.
Hal. ___si Nanay ng aming agahan
sa kusina.
Group 3 Difficult - Sumulat ng
payak/simple na pangungusap gamit
ang salitang kilos batay sa larawan
na nakita.
1.________________________
2._________________________
Assessment
Performance Task (gamit ang simpleng
rubrik)
1. Ilalahad ng guro kung papaano gagawin
ang activity at ang batayan ng pagmarka.
2, Maghanda ang guro ng kahon na
lalagyan ng mga maliit na papel na
may nakasulat na iba't ibang kilos.
3. Bawat bata ay kukuha ng isang papel
sa kahon.
4. Babasahin ng mag-aaral ang nakasulat
na salitang kilos at isasagawa niya ito.
Hal. nagbabasa ng aklat
sasayaw ng may kapares
Rubrics
Points Deskripsyon
5 Wasto ang pagsagawa
ng kilos. Nagpakita ng
kagalakan sa pagsagawa.
4 Wasto ang pagsagawa ng
kilos ngunit may pag-
alinlangan sa pagsagawa.
3 Wasto ang pagsagawa ng
kilos ngunit nahihirapan
sa pagsagawa.
2 May pag-alinlangan sa
pagsali.
1 Mali ang pagsagawa.
Assignment
Gumupit ng 7 larawan ng salitang kilos
sa magasin at idikit sa Filipino notebook.
Lagyan ng tamang pangalan ng salitang
kilos ang bawat larawan.
/EAB
Comments
Post a Comment